Tumawid sa Agno River, nalunod
BUGALLON, Pangasinan - Nalunod ang isang lalaki matapos tumawid sa Agno River sa Sitio Pantal, Barangay Cabayaoasan, Bugallon, Pangasinan. Nakilala ang biktimang si Ricardo Castillo, 58, ng nabanggit na lugar. Dakong 3:30 ng hapon umano nang tumawid ang biktima sa nabanggit na lugar dahil kukunin niya umano ang bangka, pero hindi niya kinaya ang agos ng tubig at nalunod.
Kasama umano ng biktima ang anak upang mamitas ng sitaw ngunit hindi na siya nakabalik.