Balita

FEU Baby Tams, angat sa Greenies

- Marivic Awitan

TINALO ng Far Eastern University - Diliman ang De La Salle Zobel, 71- 67, upang simulan ang title retention bid sa impresibon­g pamamaraan nitong Sabado sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Nagwagi din ang University of Santo Tomas at last year’s runner-up National University sa kani-kanilang mga nakatungga­li sa unang araw ng torneo.

Iginupo ng Tiger Cubs ang University of the Philippine­s Integrated School, 97-62, habang pinataob ng Bullpups ang University of the East, 107-69.

Nagpasabog si John Cansino ng 28 puntos at 11 rebounds, habang nagdagdag si Kobe Palencia ng 23 puntos para sa Tiger Cubs na nakakuha din ng 18 rebounds mula kay Batang Gilas standout John Bismarck Lina.

Nagsalansa­n naman si Ljhay Gonzales ng 16 puntos, anim na rebounds, at pitong assists para giyahan ang Baby Tamaraws sa pagpigil sa tangkang paghabol ng Junior Archers sa fourth period.

Nagsalansa­n naman si Matthew Manalang ng 20 puntos, 5 rebounds, 2 assists, at 4 steals, na sinundan ni Rhayyan Amsali na may 12 puntos at 10 rebounds upang mabigyan ang bagong coach ng Bullpups na si Goldwin Monteverde ng una nitong panalo.

 ?? PSC PHOTO ?? KANI-KANILANG basa sa kilos ng karibal ang mga batang kalahok sa chess competitio­n ng 1st Kabataan Iwas-Droga: Start on Sports (KID SOS) na pinanganga­siwaan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Arnold Agustin. Umabot sa 150 atleta mula sa...
PSC PHOTO KANI-KANILANG basa sa kilos ng karibal ang mga batang kalahok sa chess competitio­n ng 1st Kabataan Iwas-Droga: Start on Sports (KID SOS) na pinanganga­siwaan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Arnold Agustin. Umabot sa 150 atleta mula sa...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines