Balita

Ateneo binigo ng La Salle sa sweep

-

NAISALBA ng La Salle Green Archers ang matikas na pakikihamo­k ng Ateneo Blue Eagles tungo sa makapigil-hiningang 79-76 panalo para mapigilan ang 14-game sweep sa doubleroun­d eliminatio­n ng UAAP Season 80 men’s basketball championsh­ip sa dinumog na Araneta Coliseum.

Naisalpak ni Kib Montalbo ang short jumper para makuha ng Archers ang bentahe sa 77-76 may 40 segundo ang nalalabi sa laro. Sa sumunod na play ng Ateneo, nabigo si Isaac Go na makumpleto ang ‘well-designed play’ mula sa time out ni coach Tab Baldwin may 8.5 segundo sa laro.

Na- foul ni Go si Ricci Rivero at naisalpak ang dalawang free throw para sa tatlong puntos na bentahe ng La Salle. Naselyuhan ang panalo sa matibay na depensa sa huling play ng Ateneo.

Nanatili sa No. 1 ang Ateneo (13-1) habang nasa ikalawang puwesto ang La Salle (11-3) na kapwa may twice-to-beat advantage laban sa No.3 Adamson (9-4) at No.4 Far Eastern University (8-5) sa cross-over semifinals..

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines