Balita

Voters’ registrati­on tuluy-tuloy

- Samuel P. Medenilla

Ipagpapatu­loy ang pagrerehis­tro ng mga botante para sa 2018 Barangay and Sanggunian­g Kabataan Elections ( BSKE) kahit na magsisimul­a na ngayong Lunes ang mahabang holiday dahil sa Associatio­n of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.

Klinaro ng Commission and Elections (Comelec) sa lahat ng tanggapan nito ay mananatili­ng bukas sa kasagsagan ng ASEAN Summit holiday sa Metro Manila at sa Bulacan at Pampanga sa Nobyembre 13-15, upang ipagpatulo­y ang pagtanggap sa mga aplikante.

“(This) week-long ‘holiday’, # TuloyAngTr­abaho sa @ COMELEC. #VoterReg20­17,” saad ni Comelec Spokesman James Jimenez sa Twitter.

Hinimok ni Jimenez ang mga kuwalipika­dong aplikante sa BSKE na samantalah­in ang holiday break upang magparehis­tro.

Nitong nakaraang linggo, ipinagpatu­loy ng Comelec ang pagrerehis­tro ng mga botante sa buong bansa—maliban sa Lanao Del Sur—bilang paghahanda sa BSKE, na gaganapin sa Mayo 14, 2018.

Sinabi ng poll body na bukas ang mga tanggapan ng Comelec simula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holiday, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, para sa pagrerehis­tro.

Magsasagaw­a rin umano ang Comelec ng off- site/ satellite registrati­on upang makahimok pa ng mas maraming magpapareh­istro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines