Balita

Trump, nag-alok maging mediator sa South China Sea

-

HANOI (Reuters) – Sinabi ni U.S. President Donald Trump nitong Linggo na handa siyang pumagitna sa mga claimant sa South China Sea, kung saan limang bansa ang kumukuwest­iyon sa pang-aangkin ng China sa mga teritoryo.

Nagsasalit­a si Trump sa Vietnam, na pinakapran­gka sa pagkontra sa mga pangaakin ng China at sa pagtatayo nito ng mga istruktura at paglalagay ng mga armas sa mga artipisyal na isla. Halos $3-trilyong kalakal ang dumaraan sa karagatang ito taun-taon.

“If I can help mediate or arbitrate, please let me know,” ani Trump sa pakikipagp­ulong sa Hanoi kay Vietnamese President Tran Dai Quang.

Inamin ni Trump na problema ang posisyon ng China sa South China Sea. “I‘m a very good mediator and arbitrator,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines