Balita

Wanted sa rape nakorner

- Liezle Basa Iñigo Light A. Nolasco

TALUGTOG, Nueva Ecija - Hindi nakapalag ang isang lalaking may kaso ng panggagaha­sa makaraang makorner ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG)-Pangasinan at Talugtog Police, sa inilatag na operasyon sa Barangay Mayamot Uno sa Talugtog, Nueva Ecija nitong Sabado ng hapon.

Pinangunah­an ni CIDG-Pangasinan chief, Chief Insp. Aragil Guardaya ang pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Larry Capua y Abrigo, nasa hustong gulang, residente sa nasabing lugar, para sa kasong rape.

Walang inirekomen­dang piyansa para kay Capua, na nailipat na sa kustodiya ng Urdaneta Police.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines