Balita

Sisimulan na sa wakas ang matagal nang nabimbing north railway project

-

SAwakas, masisimula­n na ang proyektong panahon pa ng administra­syong Ramos, noong 1990s, nang binuo ang konsepto subalit ilang beses nang naipagpali­ban dahil sa mga hindi pagkakasun­do at mga kontrobers­iya sa mga sumunod na administra­syon. Ito ang riles na mag-uugnay sa Tutuban sa Maynila sa Malolos, Bulacan, bago tutuloy sa Clark, Pampanga.

Ang kauna-unahang riles sa Pilipinas ay kinumpleto noong 1892, ang Ferrocaril de Manila-Dagupan, at pinalawak noong 1902 sa panahong sakop pa tayo ng Amerika. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, marami nang riles ang pinangasiw­aan ng Manila Railroad Company—mula sa Pangasinan, Nueva Ecija, Pampanga, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, at Camarines Sur sa Albay. May maliit na serbisyo ng riles sa hilaga na umaabot sa Damortis sa Pangasinan, kung saan inihahatid ng mga bus ang mga pasahero paakyat sa Baguio City sa pagdaan sa Kennon Road.

Sa paglipas ng mga taon, ang pagbibiyah­e sa riles ay nagbigay-daan na rin sa biyahe sa kalsada. Inabandona ang mga nagsasanga­ng biyahe ng mga riles patungo sa iba’t ibang lugar sa Luzon. Subalit kalaunan ay tumindi ang pangangail­angang ibalik ang mga railroad network, partikular noong administra­syon ni Fidel V. Ramos noong 1992 hanggang 1998, sa layunin na ring mapaluwag ang siksikan sa Metro Manila at mapaunlad ang mga lalawigan sa paligid nito. Dito na nabuo ang Northrail noong 1995 bilang subsidiya ng Bases Conversion and Developmen­t Authority (BCDA).

Bumuo ng kasunduan ang Northrail sa China National Machinery Industry Corp. (Sinomach) sa panahon ng administra­syon ni Gloria Macapagal Arroyo (2001-2010) subalit ibinasura ng humaliling administra­syon ni Benigno S. Aquino III (2010-2016) ang kontrata matapos kuwestiyun­in ang legalidad nito. Idinemanda ng Sinomach ang Pilipinas, at iginiit na mabayaran ng mahigit $100 million na danyos.

Nitong Martes, inihayag ni Transporta­tion Secretary Arthur Tugade na napagkasun­duan na ng ating gobyerno at ng Sinomach ang sigalot sa pagitan nila, at nakatipid ang bansa ng mahigit $100 million na hinihingin­g danyos ng kumpanya, gayundin ng daan-daang milyong pisong halaga ng gastusing legal. Ang kasunduan ay nilagdaan sa harap ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ni Chinese Ambassador Zhao Jian Hua.

Sisimulan na ang pagkumplet­o sa riles sa hilaga bilang Philippine National Railways (PNR) North 2 mula sa Tutuban hanggang Malolos, diretso sa Clark, sa halagang P150 bilyon. Maaaring simulan na ang proyekto bago matapos ang 2017 o sa unang bahagi ng 2018, ayon kay Secretary Tugade. Ito ang magiging unang proyekto sa malawakang programang pangimpras­truktura ng administra­syong Duterte, ang “Build, Build, Build”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines