Balita

‘Goblin,’ ibabalik ng Dos

-

HINDIna kailangan ng kandila at hindi na rin kailangan ng ulan dahil natupad na ang wish ng fans na ibalik ang koreanovel­ang minahal nila with all their hearts and souls, ang Goblin, sa ABSCBN simula ngayong Lunes (Nov 13).

Muling balikan ang kuwento ng matapang na heneral na si Kim Shin ( Gong Yoo) na isinumpang mabuhay habambuhay bilang Goblin o tagapagtan­ggol ng mga kaluluwa. Makalipas ang mahigit 900 taon, makikilala niya ang babaeng tatapos sa sumpa— si Erin ( Kim Go Eun) na tinagurian­g Goblin’s bride. Mahuhulog ang kanyang loob sa dalaga at ibubuwis ang kanilang buhay sa ngalan ng pag-ibig.

Huwag palalampas­in ang muling pagbabalik ng Goblin, pagkatapos ng The Promise of Forever, ngayong Lunes sa first and true home of asianovela­s, ang ABS-CBN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines