Toni, umaasang babalik pa si John Lloyd

Balita - - Pangunahing Pahina - --Jimi Escala

POSITIBO pa rin si Toni Gonzaga na babalik sa Home Sweetie Home ang kapartner niyang si John Lloyd Cruz. Naiulat kasi na mawawala na sa show si John Lloyd pero maaaring magpatuloy pa rin daw ang palabas at papalitan na lang ang leading man niya.

Sabi ni Toni nang mapadaan kami sa taping ng show nila, walang dapat ipag-alala ang mga tagahanga nila dahil siguradong mapapanood ulit sa show si John Lloyd Cruz.

“Sa totoo lang, eh, show naman niya talaga ito. At kung ready na niyang harapin ang taping, at kapag na-settle na niya ang mga personal matter na kailangan niyang ayusin, eh, eventually siguro mapapanood na nila sa show si John Lloyd,” sey ni Toni.

Wala raw namang problema ngayon sa show nila, normal na normal ang takbo ng trabaho ng lahat ng involved sa comedy show.

“Well, hangga’t walang sinasabi ang management sa amin, eh, tuluy-tuloy pa rin naman ang taping namin. So far, we’re just taking it one taping at a time. Kumbaga, ‘pag may natanggap na script at may call time, go pa rin sa location,” sey ni Toni. Kasama na rin ngayon sa cast ng Home Sweetie Home sina Piolo Pascual at Rufa Mae Quinto na very welcome sa lahat ng cast.

John Lloyd at Toni

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.