Sharon-Robin movie may playdate na

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni NITZ MIRALLES

TAMA naman pala ang sinabi noon ni Sharon Cuneta na November mapapanood ang pelikula nila ni Robin Padilla dahil showing na sa November 29 ang reunion movie nilang Unexpectedly Yours mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Kasama sa cast sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Dahil nanahimik sa social media si Sharon, ilang weeks na wala siyang update at ang pinakahuli niyang update ay tungkol sa pagpanaw ni Isabel Granada, inakala ng followers niya na hindi tuloy ang pelikula nila ni Robin.

Wala ring updates si Robin at maging ang Star Cinema kaya lalong dumami ang nag-isip na baka shelved na ang pelikula. Kaya marami ang nagulat sa post ni Sharon na may playdate na ang movie nila ni Robin.

Ang cute nga dahil sa ilalim ng title, nakasulat ang “Mega soon...”

Robin at Joshua Julia at Sharon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.