Balita

Indian PM may pa-prosthetic sa Pinoy amputees

- Ni Mary Ann Santiago

Pansamanta­lang lumiban si Indian Prime Minister Narendra Damodardas Modi sa ilang aktibidad para sa 31st Associatio­n of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa bansa para pangunahan ang pamamahagi at pagsusukat ng 150 libreng prosthetic limb sa mga Pinoy, at kabilang sa mga nakinabang dito ang 14 na sundalong nakipagbak­bakan sa Marawi City.

Dakong 1:30 ng hapon kahapon nang magtungo ang Indian Prime Minister sa Museum of Ideas sa compound ng Philippine General Hospital ( PGH), sa Padre Faura Street sa Ermita, Maynila upang pangunahan ang aktibidad.

Kasama ni PM Modi si Mahaveer Philippine­s Foundation, Inc. head Dr. Veerendra Mehta at ang mga opisyal ng PDP-Laban sa Maynila na sina 3rd District Councilor Bernardito Ang at dating 5th District Councilor Felix Espiritu.

Marami na umanong sinuportah­ang kahalintul­ad na charitable activities ang Prime Minister, at hinikayat pa ang mga taong nangangail­angan din ng libreng tulong na bisitahin ang naturang foundation o kaya naman ay dumulog kina Ang at Espiritu.

Sinabi naman ni Ang na ang naturang foundation ay matagal nang namamahagi ng mga libreng prosthetic limb sa Pinoy amputees, kabilang ang mahihirap, sa nakalipas na 28 taon at umabot na sa mahigit 10,000 katao ang natulungan ng nasabing programa.

Nabatid na ang isang knee prosthetic­s ay nagkakahal­aga ng P132,000, habang ang below the knee prosthetic­s ay nasa P30,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines