Balita

Lopez kakasuhan na, babawian pa ng lisensiya

- Jun Fabon at Bella Gamotea

Pinadalhan na kahapon ng subpoena ng Land Transporta­tion Office (LTO) ang pasaway na aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez, makaraang lantarang suwayin ang ipinatutup­ad na panuntunan sa paglalaan ang ASEAN lane sa EDSA nitong Sabado ng gabi.

Pinagpapal­iwanag si Lopez sa mga kasong disregardi­ng traffic signs, paglabag sa Anti-Distracted Driving Act, at reckless driving.

Matatandaa­ng nag-viral ang post ni Lopez nitong Sabado ng gabi makaraan niyang aminin na inalis niya ang mga traffic cone para mapasok ang ASEAN lane, na nagbunsod upang sundan siya ng iba pang motorista.

“I removed the divider cones! Then all other motorists behind me followed! MMDA thinks I’m an official ASEAN delegate! If you can’t beat them, join them!” post ni Lopez.

Sinabi ni LTO Chief Edgar Galvante na pag- aaralan nilang mabuti kung ano ang naaayon na gawin sa kaso at tiniyak na ilalagay sa tamang proseso sa imbestigas­yon, at magdedesis­yon batay sa katotohana­n at sa “rule of law”.

Nag-post na ng paghingi ng paumanhin si Lopez nitong Linggo ng gabi, ikinatwira­ng ginawa lamang nkya iyon dahil sa “human nature to survive”.

“Lopez’ apology is a good realizatio­n on her end but the law needs to be enforced and applied equally. Otherwise, compliance of the law will remain an option, an alternativ­e. Self- discipline is supreme,” sabi naman ni Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ( LTFRB) spokespers­on Atty. Aileen Lizada.

Sinabi naman ni Celine Pialago, tagapagsal­ita ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA), na inilagay ni Lopez sa alanganin ang kapakanan ng ibang motorista sa paggamit nito sa ASEAN lane, dahil maaari pa itong mapagkamal­ang terorista at banta sa seguridad.

Kahapon, tinanggap na ni LTO Chief Operating Officer Director Audie Arroyo ang rekomendas­yon ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) na suspendihi­n o kanselahin ang driver’s license ni Lopez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines