Balita

Indian pinatay, motorsiklo tinangay

-

BIÑAN CITY, Laguna – Patay ang isang Indian makaraang barilin at tangayin ang kanyang motorsiklo ng dalawang hindi nakilalang armado sa Purok 3, Barangay Sto. Tomas, Biñan City, Laguna nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Buta Singh Dhaliwal, 27, negosyante, ng South Plains 2, Bgy. Sto. Tomas.

Dakong 10:30 ng umaga at minamaneho ni Dhaliwal ang kanyang itim na Honda XRM motorcycle at nang magmenor sa humps ay pinagbabar­il ng dalawang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines