2 naospital sa duwelo
MAYANTOC, Tarlac - Kapwa naospital ang dalawang lalaki sa Barangay Poblacion Sur, Mayantoc, Tarlac, makaraang magtalo na nauwi sa saksakan at paluan ng kahoy na dospor-dos, nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang biktimang si Roleto Nuñez, 47, may asawa, vendor, habang ang suspek ay si Kevin Diaz, 19, na nagtamo naman ng mga palo ng kahoy sa katawan, kapwa taga-Bgy. Poblacion Sur, Mayantoc.
Nag-iinuman umano dakong 6:15 ng gabi ang suspek at ilan nitong kaibigan, nang biglang dumating si Nuñez at kinompronta ang suspek hanggang sa saksakin siya nito sa likod.
Gumanti naman ang biktima sa pamamagitan ng paghataw ng dos-por-dos kay Diaz.