Balita

Walang nanalo sa Marawi war—Digong

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS May ulat ni Francis T. Wakefield

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang nanalo sa limangbuwa­ng pakikipagb­akbakan ng tropa ng gobyerno sa mga terorista ng Maute-ISIS sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ito ang sinambit ng Presidente makaraan niyang bigyang-diin ang pangakong ibabangon muli ang siyudad na labis na nawasak sa ilang buwang digmaan, upang maiwasang maulit ang nangyari.

“So as not to repeat the kind of thing that we fought for about four months and at the expense of the lives of many people, Christians and Muslims alike,” sinabi ni Pangulong Duterte nitong Linggo.

“We get nothing. Nobody won that war, not government,” ani Duterte, at iginiit na hindi tuwirang naisulong ang kapayapaan sa nangyari. “We’re able to kill, how many? Terrorist and even? It does not promote peace in this world. We were just acting on a police punitive action.”

Tiniyak niyang muli na sa perang nakolekta ng gobyerno mula sa mga hindi nabayarang buwis ay masisimula­n na ang rehabilita­syon ng Marawi pagkatapos ng nagpapatul­oy na clearing operations ng militar sa lungsod.

“I said, we collected so much taxes. I was informed by my revenue officials that there’s enough [money] to start laying down the foundation of the city again,” sabi ni Duterte, na naglaan ng paunang P20 bilyon para sa Marawi rehab.

Sinimulan na ng Task Force Bangon Marawi ang Post- Conflict Needs Assessment (PCNA) nito sa siyudad, bagamat nasuspinde ito dahil mayroon pa ring Maute straggler na nagkukubli sa lungsod.

Una nang iniulat ng Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council (HUDCC) na nakumpleto na nito ang PCNA sa 49 na barangay, at kakailanga­nin pang tapusin ang sa 47 iba pa.

“So it is suspended and we hope that by the end of the month or early December, we can start with the PCNA so that we will have a complete data before we can come up with a complete package of the Master Rehabilita­tion Plan,” anang HUDCC.

Kaugnay nito, iniulat ng militar na nakarekobe­r ito ng 30 matataas na kalibre ng armas mula sa Maute-ISIS sa isinagawan­g search at clearing operations sa Barangay Marinaut malapit sa Lake Lanao sa Marawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines