Balita

Parak todas sa NPA ambush

- Fer Taboy

Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang kasamahan nito matapos silang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa San Fernando, Masbate, iniulat kahapon ng pulisya.

Ayon kay Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsal­ita ng Police Regional Office (PRO)-5, batay sa report ng San Fernando Municipal Police, napatay si PO1 Matthew Galindez Baybayon, habang sugatan naman si PO1 Edgarde Demingoy, kapwa nakatalaga sa 5th Regional Public Safety Batallion, Bravo Company, 3rd Maneuver Platoon.

Sinabi ni Senior Insp. Calubaquib na pabalik na ang dalawang pulis sa patrol base sa Barangay Canares sa Batuan galing sa pagrespond­e nang tambangan ng mga rebelde sa Bgy. Buyo sa San Fernando.

Tumakas ang mga rebelde bitbit ang service firearms ng mga biktima.

Narekober sa pinangyari­han ng ambush ang isang basyo ng M203, 31 fired cartridges ng M16 rifle, isang bala ng M16, limang fired cartridges ng M14 rifle, at tatlong fired cartridges ng AK4.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines