Balita

Parang gulong

- Bert de Guzman

TALAGANG ang buhay ng tao ay parang “gulong”, minsan ay nasa ibabaw, minsan ay nasa ilalim. Ito ay nangyari sa mga makapangya­rihan, mayayaman at maiimpluwe­nsiya. Kabilang sa “nagulungan ng kapalaran” ay sina dating Presidents Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at ngayon ay “namumuro” si ex-Pres. Noynoy Aquino.

Si Pareng Erap ay napatalsik sa puwesto at nakulong pa. Si Aleng Maliit ay matagal ding nakulong noong panahon ni Aquino. Ngayon ay nakahabla si ex-PNoy sa Sandiganba­yan sa kaso ng pagkamatay ng SAF 44 sa Mamasapano tragedy noong 2015.

Pinakasuha­n siya sa Sandiganba­yan ng Office of the Ombudsman na ang hepe ay si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na mismong si PNoy ang humirang. Ang hahawak ng kanyang kaso sa Sandiganba­yan ay siya rin ang humirang, si Justice Amparo Cabotaje- Tang. “What a twist of fate,” sabi nga ng mga Inglesero.

Sa pangalawan­g pagkakatao­n, hindi dumalo si President Rodrigo Roa Duterte sa gala dinner ng mga lider ng Asia- Pacific Economic Cooperatio­n o APEC na dinaluhan din nina US Pres. Donald Trump, Chinese Pres. Xi Jinping, Russian Pres. Vladimir Putin, Japan Prime Minister Shinzo Abe, at Canadian Pres. Justin Trudeau. May group picture ang world leaders, hindi kasama si Mano Digong.

Sa APEC Summit meeting sa Peru noong nakaraang taon, hindi rin dumalo si PRRD sa gala dinner sa katwirang siya ay dumanas ng migraine. Dakong huli, inamin ni PDu30 na hindi siya dumalo sa gala diner sa Peru sapagkat nais lang niyang iwasan ni dating US Pres. Barack Obama na kinamumuhi­an niya. Nagtatanon­g ang mga Pinoy kung ano naman ang dahilan ni Mano Digong sa muling niyang pagskip sa Vietnam gala dinner.

Tumanggap si Pres. Rody ng pinakamata­as na approval at trust ratings sa hanay ng apat na Pangulo ng bansa, ayon sa Pulse Asia survey. Batay sa Pulse Asia, siya ay nagtamo ng trust rating na +74%, mas mataas sa trust rating ni PNoy na nagtamo ng +70, GMA na may +23, at Estrada, na may +11.

Mula sa Da Nang, Vietnam, inihayag ni PRRD sa harap ng Filipino community na siya ay nakapatay na ng tao sa edad na 16. Ngayong siya ang presidente, ipinahiwat­ig ng dating alkalde ng Davao City na mas marami siyang puwedeng mapatay. Ito marahil ay tungkol sa drug war niya.

Gayunman, sinabi agad ni Presidenti­al Spokesman Harry...

Roque na nagbibiro lang ang Pangulo. “I think these were in jest. The president uses colorful language when with Pinoys overseas,” paglilinaw ng bagong tagapagsal­ita na pumalit sa mild-mannered na si Ernesto Abella.

Hindi ako nagtataka kung bakit nanalo at inilampaso ni Mano Digong ang “manok” ng Liberal Party na si Mar Roxas noong 2016 presidenti­al elections, dahil sa kanyang “colorful language” na nagugustuh­an ng mga tao. Bukod dito, bumilib ang taumbayan nang sabihin niyang susugpuin niya ang illegal drugs sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines