Balita

Ang mga Christmas Tree sa Rizal

- Clemen Bautista

NAGLUNSAD

ang pamahalaan­g panglalawi­gan ng Rizal, sa pangunguna ni Governor Nini Ynares, ng paligsahan sa paggawa ng Christmas Tree sa 13 bayan at isang lungsod sa lalawigan. Ang paligsahan ay tinawag na “InterTown Christmas Tree Making ang Town Hall Decorating Contest”.

Ang paligsahan ay inilunsad noong Setyembre 26, kasabay ng ikaapat na anibersary­o ng Ynares Eco System (YES) To Green Program, ang flagship project ni Gov. Nini Ynares na may kaugnayan sa pangangala­ga sa kapaligira­n at kalikasan. May anim na component ang nasabing proyekto tulad ng paglilinis, pagtatanim ng mga puno, recyling o tamang waste management, environmen­tal protection, at tourism.

Ang paligsahan sa paggawa ng Christmas Tree ay nasa ikaapat na taon na ngayong 2017. Ang sukat ng gagawing Christmas Tree ay may 20 hanggang 25 talampakan ang taas. Gagamitan ito ng recycled material. Itatayo ang Christmas Tree sa harap ng munisipyo, sa plaza o kaya ay sa municipal park ng bayan. At katulad ng mga naunang paligsahan, lumulutang lagi ang mga katangian ng ginawang Christmas Tree. Sa paggawa, napapansin at nakikita rin ang creativity o pagiging malikhain at talino ng mga Rizalenyo sa 13 bayan at isang lungsod.

Simula nang ilunsad ang paligsahan sa paggawa ng Christmas Tree, napansin na ng mga taga-Rizal ang pagtatayo ng Christmas Tree sa harap ng kanilang munisipyo o sa plaza. At habang lumilipas ang mga araw, unti-unti na ring lumulutang ang katangian ng ginagawang Christmas Tree, kahit na recycled materials ang ginamit sa paggawa sa mga ito. Lumutang na rin ang kagandahan ng mga dekorasyon sa passage o harap ng munisipyo na mga recycled material din ang ginamit.

Ang pagbubukas ng mga ilaw ng Christmas Tree ay sisimulan na ngayong Nobyembre. Ang 13 bayan at isang lungsod sa lalawigan ay may kanya-kanyang itinakdang araw at petsa. Sa pagbubukas ng mga ilaw, dadaluhan ito ng mayor, mga miyembro ng Sanggunian Bayan, ng mga opisyal ng barangay at mamamayan, lalo na ang may pagpapahal­aga sa sining.

Magiging panauhin sa pagbubukas ng mga ilaw ng Christmas Tree si Gov. Nini Ynares na magbibigay ng kanyang mensahe kaugnay ng paligsahan sa paggawa ng Christmas Tree. Kasama ng gobernador­a ang mga taga-Tourism Office ng Pamahalaan­g Panlalawig­an ng Rizal, na kaagapay sa paglulunsa­d ng paligsahan.

Sa inilunsad na paligsahan sa paggawa ng Christmas Tree, maraming Rizalenyo ang natuwa sapagkat bukod sa naipakita ang kanilang kakayahan, talino at pagiging malikhain, nabatid at nakita nila ang...

kagandahan ng Christmas Tree kahit na ang mga ginamit ay mga recycled material.

Ang Christmas Tree ay isa sa mga simbolo ng Pasko na pagdiriwan­g ng pagsilang ni Jesus Christ. Naging bahagi na ng tradisyon na kapag sumapit ang “ber months”, unti- unti nang itinatayo ang mga Christmas Tree sa iba’t ibang business establishm­ent. Makikita sa harapan ng mga mall sa mga lungsod at lalawigan, sa loob ng tanggapan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, at maging sa mga tahanan. Napapalamu­tian ito ng Christmas lights na ang iba’t ibang kulay ay pumikit-dumilat, habang naghahabul­an ang makukulay na liwanag.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines