Balita

Jolina, 30 years na sa showbiz

- --Jimi Escala

NAG- CELEBRATE si Jolina Magdangal ng kanyang 30th anniversar­y sa showbiz sa Magandang Buhay na isa siya sa hosts kasama sina Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Nag- research siyempre ang mga staff ng morning show para isopresa sa isa sa singer/ actres/ TV host. Kinuhang suprise guest ang mga kamiyembro sa grupong 14K na pinamahala­an ni Ryan

Cayabyab at pinagsimul­an ni Jolens.

“Nagulat ako at nagkitakit­a tayo ngayon,” sey ni Jolina. “In fairness, meron akong ‘ tinatagong mga pictures sa lahat ng mga naging performanc­es natin pero hanggang pictures na lang ako parati.”

Kagrupo ni Jolina sa 14k sina Arnee Hidalgo, Ryan Joseph Realeza, Coralyn Oguias, Mary Ann Corsama, Johann dela Fuente, Donna Mae

Jordan, Jericho Linao and Trinna Alcantara na nagkanya-kanyang kuwento sa mga naging karanasan nila noon sa grupo.

Ipinagmama­laki ni Jolina na sa 14K niya natutunan kung paano disiplinah­in ang sarili at siyempre ang pagiging professsio­nal sa trabaho nila.

“Grabe ang training namin noon. ‘Pag mali ka, eh, asahan mong papagalita­n ka. Ituturo sa ‘ yo kung paano maging profession­al. At sa totoo lang naman, eh, sa grupong ‘yun, eh, doon ko natutunan ang pagiging profession­al sa trabaho,” sabi ng aktres.

Inawit ni Jolina kasama ang mga dating kamiyembro ng 14K ang Love Is for Singing. Bukod pa rin naman sa 14K, sinorpresa rin si Jolina ng mga nakasama niya sa Ang TV na sina Lindsay Custodio, Nikka Valencia, Farrah Florer at Antoinette Taus.

Sobra-sobra ang pasasalama­t niya na naging bahagi siya ng Ang TV na sikat na sikat noon.

“Ito ang nagbukas sa akin ng opportunit­y bilang artista. Itinuro rin sa amin ni Mr.

M ang disiplina. Tinuruan din niya kaming maging writer at comedian. Basta ang importante kay Mr. M noon na hindi ko din tinanggal sa sarili ko, eh, maging ikaw. Huwag kang mag-pretend. Ikaw ‘yan at ibongga mo ang sarili mo,” lahad ni Ms. Jolina Magdangal.

 ??  ?? Jolina
Jolina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines