Balita

KIDS-SOS, laban ng batang Pinoy

- Ni Edwin Rollon

MULA sa basic, kailangan ng mga batang atleta na magamit ang mga natutunan sa sports seminar at clinics upang tuluyang mahubog ang kanilang kaisipan at talento sa sports na naaayon sa kanilang pangangata­wan at kagustuhan.

Ito ang layunin ni Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Arnold Agustin sa inorganisa­ng 1st Kabataan Iwas-Droga: Start on Sports sa Theresian School of Cavite sa Bacoor City nitong weekend.

“Ang mga participan­ts natin dito yung mga batang nakiisa sa ginawa nating sports clinics and seminar under the Children’s Game program ng PSC. Yung natutunan nila sa clinics ay mababalewa­la kung wala namang tournament na lalaruan kaya kami naman sa pamahalaan ay handang tumugon dito,” pahayag ni Agustin.

Kabuuang 14 na eskwelahan sa elementary­a at high school sa lungsod ang nakiisa sa programa na suportado rin ng Theresian School of Cavite, Department of Education (DepEd) at Bacoor City Mayor Lani Mercado- Revilla.

“Nag- focus muna kami sa tatlong sports – table tennis, badminton at chess. Madali kasing iorganisa ang mga sports na ito dahil hindi masyadong nangangail­angan ng equipment at walang problema sa venues. Our technical officials are provided by DepEd, with the help of national sports associatio­n,” sambit ni Agustin.

Kabilang sa nakibahagi sa programa ag Bacoor National High School (Molina Main), Zapote Elementary Schoo, BNHS – Tabing-Dagat, Mabolo Elementary School, Aniban ES, at Niog ES.

‘We want the kids to use their free time in worthwhile activities – be fit and healthy, have them focus on sports rather than taking part in negative activities,” pahayag ni Agustin.

Kabilang sa inihalintu­lad na dapat maging modelo ng kabataan sina chess Grandmaste­r Wesley So at badminton star Sarah Jane Barredo.

. “Ito po talaga ang pangarap ko, gamitin ang badminton para makapagtap­os ng pag-aaral,” pahayag ng isang participan­t na si Angelo Bajamudin ng Molino High School.

 ?? PSC PHOTO ?? MATIKAS na nakihamok ang dalawang kalahok sa badminton at table tennis sa ginanap na 1st Kabataan Iwas-Droga: Start on Sports nitong weekend sa Bacoor City.
PSC PHOTO MATIKAS na nakihamok ang dalawang kalahok sa badminton at table tennis sa ginanap na 1st Kabataan Iwas-Droga: Start on Sports nitong weekend sa Bacoor City.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines