Balita

Bello, kampeon sa Presente Chess Cup

- Gilbert Espeña

NAKALUSOT si Jercio Bello kontra kay Reynaldo Acosta sa ika-6 at huling laro para magkampeon sa Joey Presente Cup 1900 and below non-master rapid chess tournament kamakailan sa Gumaoc Day Care Center, San Jose, Del Monte Bulacan.

Tangan ang itim na piyesa, nagsakripi­syo ng isang piyon sa opening si Bello at dahil na rin sa kapabayaan ni Acosta ay nakamit ni Bello ang tagumpay sa kanilang English skirmish.

Nakaipon ng limang panalo at isang tabla na may kabuuang 5.5 puntos sa anim na laro si Bello sapat para kunin ang top prize na P2,000 sa nag-organisang sina Nelson Perena at Joey Presente kung saan nakasama sa awarding ceremony ang dating pambato ng Metro Manila College na si Jocelyn Berago.

Nakuha naman ni John Michael Lomboy ang P1,000 para sa ika-2 puwesto matapos maungusan sa tie break points ang tumerseran­g si Alvin Peratilla na nagkasya sa P500.

Ayon kay Philippine team member at Woman Internatio­nal Master (WIM) Catherine Perena-Secopito, isang taon na nila ginagawa ang monthly tournament kaagapay ang lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte, Bulacan kung saan pinapagami­t nang libre sa kanila ang Gumaoc Day Care Center bilang chess venue sa layuning makadiskub­re ng future chess master na manggagali­ng sa San Jose del Monte, Bulacan.

Bukod kay WIM Perena, produkto rin ng San Jose Del Monte, Bulacan sina GM Roland Salvador at ang namayapang IM Rolly Martinez, na kapwa nakabase sa Italya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines