Balita

Capadocia, umusad sa PCA Open

-

SINIMULAN ni four-time champion Marian Jade Capadocia ang kampanya na muling pagreynaha­n ang ladies singles event ng 36th Philippine Columbian Associatio­n (PCA) Open sa matikas na ratsada nitong Linggo sa PCA indoor shellclay courts sa Paco, Manila.

Hindi man lamang pinagpawis­an ang third-seeded na si Capadocia sa paggapi kay qualifier Alyssa Bornia, 6-1, 6-1, upang makausad sa second round ng prestihiyo­song torneo.

“It’s good to be back here after missing the last two years of the competitio­n. I’ve been competing in different ITF tournament­s. Hopefully magamit ko dito yung experience na nakuha ko,” pahayag ng 24-anyos ana si Capadocia, nakabalik sa National Team matapos ang SEA Games.

Nakopo ng dating RP No.1 ang PCA title simula 2011 hanggang 2014 bago nagdesisyo­n na palakasin ang kanyang kaalaman at talento sa pagsagupa sa internatio­nal competitio­ns sa Netherland­s, Belgium, Egypt, France, China, Kazakhstan, Sri Lanka, Singapore at Germany.

Sunod na makakasagu­pa ng pambato ng Antique si Khryshana Brazal sa second round ng torneo na suportado ng Asian Traders Dunlop, Stronghold Insurance, Whirlpool/Fujidenzo, Head at United Auctioneer­s.

Magaan din ang panalo ni Brazal kontra Nicole Amistad, 5-3 (retired).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines