UN, EU tutulong kontra terorismo

Balita - - Balita - Tusk Guterres Roy C. Mabasa at Argyll Cyrus B. Geducos

Handa ang United Nations (UN) na magkaloob ng tulong sa Association of Southeast Asian Nations ( ASEAN) para sa paglaban sa terorismo at iba pang transnational crimes, kabilang ang illegal drugs at human trafficking.

Inialok ni UN Secretary General Antonio Guterres ang tulong sa ASEAN-UN Summit nitong Lunes ng gabi, kasabay ng muling pagpahayag ng pangamba pandaigdigang terorismo at bayolenteng pananaw, kabilang na sa ASEAN region.

“The United Nations stands ready to provide technical support to ASEAN and its member countries in their efforts to counter terrorism and violent extremism, and to combat transnational crime, including drug trafficking and people trafficking, through policies able to protect their citizens with effective law enforcement and respect for human rights,” ani Guterres sa kanyang opening statement.

Ikinalugod din ng UN chief ang adoption ng Manila Declaration to Counter the Rise of Radicalization and Violent Extremism, at ang pagkilala nito sa kahalagahan ng September 20 sa 11th ASEAN ministerial meeting na ginanap sa Manila.

Binigyang- diin ang terror incident sa Pilipinas kamakailan, sinabi ni Guterres na, “I am heartened by the recent liberation of Marawi from ISIS.”

Nagpahayag din ang European Union ( EU) ng kahandaang sumuporta sa mga adhikain ng ASEAN hindi lamang bilang partner, kundi bilang kaibigan.

Ito ang inilahad ni European Council President Donald Tusk sa 40th ASEANEU Commemorative Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) kahapon.

“The European Union fully supports ASEAN’s efforts and its mission. We are working towards a strategic partnership to encompass not only trade, investment and sectoral cooperation but also more security cooperation,” ani Tusk.

Ayon kay Tusk, ang ASEANEU ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng Asia at Europe sa mga mapanghamong panahon, lalo na sa mga isyu ng seguridad.

“Terrorist ideologies have spread across continents,” aniya. “We can mitigate the threat if we work together, sharing information on suspects and trends of concern.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.