Balita

2 dayuhan ipatatapon pabalik sa China, India

- Mina Navarro

Nakatakdan­g palayasin ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang dalawang dayuhan na inaresto sa pagiging undesirabl­e aliens.

Kinilala ni BI Commission­er Jaime Morente ang mga inaresto na sina Pan Guisheng, Chinese; at Reddy Koyanna Venugopal Krishna, Indian.

Dinakip si Guisheng, 73, sa loob ng Jade Tower Condominiu­m sa 2nd Avenue, Caloocan City, na wanted sa economic crimes sa China.

Samantala, si Krishna, 38, ay inaresto sa iba’t ibang kasong kriminal kabilang ang acts of lascivious­ness, estafa at pag- iisyu ng talbog na tseke.

Sinabi ni Morente, na si Guisheng ay banta sa kaligtasan at seguridad ng publiko dahil sa pagiging pugante.

Idinagdag pa ng komisyuner na si Guisheng ay isang undocument­ed alien matapos kanselahin ng Chinse government ang kanyang pasaporte.

Para naman kay Krishna, sinabi ni Morente na nag-isyu na ng summary deportatio­n order ang BI board of commission­ers laban sa Indian dahil sa pagiging undesirabl­e alien.

Gayunman, ipinaliwan­ag ni Morente na hindi pa mapapalaya­s ng bansa si Krishna dahil sa nakabimbin na mga kasong kriminal laban sa kanya.

Nabatid na ang dalawang dayuhan ay isasama sa immigratio­n blacklist.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines