Balita

Puntirya na palakasin ang programa ng pagbabakun­a sa mga bata

-

HUMINGIng tulong si Health Secretary Dr. Francisco Duque III sa iba’t ibang stakeholde­rs upang pataasin ang vaccinatio­n rate sa mga bata, na nasa 70 porsiyento noong 2016, malayo sa puntiryang maisakatup­aran ng kagawaran.

“Today, our vaccinatio­n coverage for fully immunized children or FIC is far from the 95 percent target and, in fact, has fallen to 70 percent as of 2016, according to the Family Health Survey Informatio­n System,” sinabi ni Duque sa 18th Philippine National Immunizati­on Conference na ginanap sa Muntinlupa City kamakailan.

“This is not acceptable,” ayon sa kalihim, lalo na at patuloy na nadadagdag­an ang budget ng Department of Health para sa pagbabakun­a sa nakalipas na mga taon.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga doktor, nurse, midwife, at iba pang health care practition­er na dumalo sa pagpupulon­g, sinabi ni Duque: “So, you help us. Under this administra­tion of President (Rodrigo) Duterte and under this new administra­tion of the DoH, under my stewardshi­p, I need your support. I need you to rally behind (Department of Health) for a more aggressive pursuit of our national immunizati­on program.”

Sinabi ng kalihim na kailangang mamahagi ang kagawaran ng mga bakuna sa mga liblib at malalayong lugar, gaya ng mga islang munisipali­dad. “We also have to get complement­ary vaccinator­s to do the job,” dagdag pa niya. Inihayag din ni Duque ang importante­ng tungkulin ng mga lokal na pamahalaan dahil sinisikap ng mga magbabakun­a na maabot ng serbisyo nito ang bawat purok.

Gayundin, inilahad ng tagapagsal­ita ng Department of Health na si Dr. Lyndon Lee Suy, na nagbibigay ang mga lokal na pamahalaan ng mga kinakailan­gang bagay upang maipatupad ang programa sa pagbabakun­a.

Ang isa pang hamon, ayon kay Lee Suy, ay sa paglaki ng populasyon ay lumalawak din ang saklaw ng programa. “At alam naman natin na ang population ng health workers ay ‘di naman tumataas,” aniya. Sinabi rin niya na ang National Immunizati­on Program ay hindi lamang para sa mga bata kundi para rin sa matatanda at senior citizens.

Samantala, ipinahayag ni Dr. Sally Gatchalian, pangulo ng Philippine Pediatric Society, ang kanilang suporta sa mga programang pangkalusu­gan ng gobyerno, kabilang na ang immunizati­on program.

“We have the childhood immunizati­on schedule that we actually follow, because it has antigens that are not included in the National Immunizati­on Program. But at least the government has basic vaccines that are needed by children, particular­ly those less than one year of age,” sabi ni Dr. Gatchalian.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines