Balita

MBT: Mandaluyon­g at QC, arya sa Division finals

- NI ERNEST HERNANDEZ

SINALANTA ng Quezon City Stars ang Navotas Bida, 95-92, nitong Linggo para maisayos ang championhi­p match kontra San Juan WattahWatt­ah sa Northern Diivision ng Metropolit­an Basketball Tournament sa Navotas Sports Complex.

Maagang umariba ang Stars para maitarak ang 13 puntos na bentahe sa first period. Nagawang maidikit ng Navotas (7-3) ang bentahe sa 69-64 sa kaagahan ng final period.

Pinangunah­an ni Jesus Manuel Asuncion ang Quezon City sa naiskor na 17 puntos, limang rebounds at tatlong blocks, habang kumana si John Kenneth Cortez ng 15 puntos.

Nag-ambag sina John Mahari ng 14 puntos at 11 rebounds gayundin si Mikhael Salazar na may 14 puntos, siyam na rebounds, pitong assists at anim na steals para sa Stars.

Nanguna sa Navotas si Jonel Parungao sa nakubrang 19 puntos, walong rebounds, anim na assists at apat na blocks.

Sa first game, pinulutan ng Mandaluyon­g City Tigers ang Pateros Isang, 102-63,para makamit ang karapatan na labanan ang Manila AllStars sa Southern Division Finals.

Sinandigan ang Tigers ng bagong PBA drafted na si Joseph Gabayni, habang kumana si Prince Allan Liquinan ng 18 puntos at limang assists.

Iskor: (Unang laro) Mandaluyon­g City Tigers (102) -Liquinan 18, Manalac 16, Tabi 15, Dada 12, Cenal 10, Boholano 6, Reyes 5, Calapine 5, Teofilo 4, Monghit 4, Banaag 3, Tilos 2, Haboc 2.

Pateros Isang Pateros (63) -Gerero 22, Go 13, Cayangan 11, Raymundo 7, Morro 4, Encinares 2, Bucasas 2, Coras 2, De Guzman 0, Ramos 0, Egdalino 0, Salonga 0.

Quartersco­res: 24-21, 41-37, 65-51, 102-63.

Quezon City Stars (95) - Comia 17, Cortez 15, Salazar 14, Mahari 14, Estoce 10, Barraquias 9, Udjan 6, Asuncion 4, Padigdig 4, Antipuesto 2, Bebre 0, Villcorta 0.

Navotas Bida (92) - J. Parungao 19, Lucas 14, Marquez 14, A. Parungao 14, Navarette 12, Lumbab 9, Baguion 4, Crisostomo 4, Boleche 2, Vargas 0, Itliong 0,

Quartersco­res: 28-16, 42-37, 64-62, 95-92.

 ??  ?? LARGA NA! Pormal na inilunsad ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders-2) sa isinagawan­g ceremonial pit sa pagitan nina ‘Sabong Queen’ Osang dela Cruz at top breeder Engr. Sonny Lagon sa media conference nitong Sabado na pinangasiw­aan ni...
LARGA NA! Pormal na inilunsad ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders-2) sa isinagawan­g ceremonial pit sa pagitan nina ‘Sabong Queen’ Osang dela Cruz at top breeder Engr. Sonny Lagon sa media conference nitong Sabado na pinangasiw­aan ni...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines