Ejay Falcon, Kapuso na ang mga katrabaho

PATI GIRLFRIEND

Balita - - Showbiz - –Nora Calderon

THANKFULsi Ejay Falcon na nakasama niya ang Kapuso actors na sina Joey

de Leon atPaolo Ballesteros sa comedy picture na Barbi: D’

Wonder Beki. Noong una nga raw parang hindi siya makapaniwala na kinukuha siya para sa movie.

“It’s an honor po na makatrabaho ko sila, kilala po naman silang mahuhusay mag-patawa,” sabi ni Ejay. “Sa movie po, magkababata kami ni Paolo as Billy at may lihim siyang pagtingin sa akin, kaya lamang hindi niya maipagtapat dahil masisira ang friendship namin.” Kumusta namang katrabaho si Paolo? “‘ Yung pong pinagdaanan niya sa shooting namin, hindi po biro iyon,” sagot ni Ejay. “Kasi iyon po lamang pagmi-makeup niya ilang oras niyang ginagawa, ‘tapos ang haba ng eyelashes niya. Humanga po ako sa kanya dahil alam kong sakripisyo ang paggawa niya ng movie, pero game siya sa lahat ng mga ginawa niya, lalo na iyong mga fight scenes niya as Wonder Beki, wala siyang double, siya lahat ang gumawa.”

Gandang-ganda rin si Ejay kapag nag-transform nang si Wonder Beki si Paolo, para raw Victoria Secret model, at sana nga raw naging babae na si Paolo.

Inamin naman ni Paolo na attracted siya talaga kay Ejay, pero alam daw niyang may girlfriend na ito, si Jana

Roxas na product ngStarstruck. Nabanggit din ni Ejay na wish pa rin niyang makita at makilala ang kanyang tunay na ama.

“Nagsimula na akong mag- research tungkol sa biological father ko, gusto ko siya talagang makita at makilala. Gusto kong malaman ang kuwento sa kanila ng mother ko. Thankful po ako sa foster dad ko pero may mga times na ang feeling ko, kailangan ko ang father ko, kaya humingi na rin ako ng tulong sa mga kakilala ko, at sana nga matulungan nila ako para makita ko na ang father ko.”

Taga-Mindoro ang nanay ni Ejay at French naman ang kanyang ama. Directed by Tony Y. Reyes at produced ng OctoArts Films, M-Zet Films at T-Rex Entertainment, ang Barbi: D’Wonder Beki ay mapapanood na in cinemas nationwide simula sa November 29.

Ejay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.