Rowan Atkinson, magkakaanak ulit sa edad na 62

Balita - - Showbiz - Cover Media

INIULATna nalalapit nang isilang ang ikatlong anak ni Rowan Atkinson sa sa edad na 62. Inaasahang manganganak sa susunod na ilang linggo ang kabiyak ni Atkinson na si Louise

Ford, 33, ang kanilang panganay, ayon sa ulat sa U. K. newspaper The Daily Mirror. “Rowan and Louise are over the moon and can’t wait for their new arrival. It’s a very happy time for them both,” lahad ng source sa publikasyon.

Mayroong dalawang malalaki nang anak si Atkinson, sina Benjamin at Lily, mula sa kanyang unang asawang si Sunetra Sastry.

Nagsimulang ang relasyon ng komedyante ni Louise noong 2014 nang makipaghiwalay ang una sa kanyang asawa sa loob ng 25 taon. Opisyal na nagdiborsyo sina Atkinson at Sastry matapos ang 65-second court hearing, at pagkaraan ay lumipat si Ford sa $6.1 million na bahay ni Atkinson sa North London.

Nagkakilala Atkinson at Ford noong 2012 nang magbida sila sa West End comedy na Quartermaine’s Terms.

Napanood si Ford sa Channel 4 comedy drama na Crashing bago gumanap bilang si Catherine, Duchess of Cambridge a satirical comedy show na The Windsors. Nagsimula namang sumikat si Atkinson noong 1980s nang lumabas sa BBC comedy sketch show na Not the Nine O’Clock News at nagbida sa historical comedy na Blackadder, sitcom naMr. Bean at movie franchise na Johnny English.

Louise at Rowan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.