Lady Gaga, itinigil ang concert para tulungan ang sugatang fan

Balita - - Showbiz - Cover Media

PANSAMANTALANGitinigil ni Lady Gaga ang kanyang Connecticut concert nitong Sabado ng gabi upang tulungan ang kanyang nanonood na sugatang fan.

Nagtatanghal ang 31 taong gulang na singer bilang bahagi ng kanyang Joanne World Tour sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville nang mapansin ang kanyang isang fan na sugatan. Itinigil niya ang konsiyerto, at kinausap ang fan: “Hi, I just looked over and I saw, are you doing alright? Are you doing alright? Are you gonna stay?

Do you need some extra help? Do you need a paramedic? They’re on their way? OK.” Itinanong ni Lady Gaga ang pangalan ng babae at sumagot ang babae ng “Meredith”. “Meredith, I’m so sorry you got hit in the face and that you’re bleeding. You OK?

We’re gonna make sure you’re okay, alright?” patuloy ni Gaga. Naghintay ng ilan pang minuto, siniguro ni Gaga na malalapatan ng lunas ang fan bago ipinagpatuloy ang kanyang show.

Noon din ay inihandog ng singer ang kanyang pagtatanghal ng Paparazzi sa kanyang sugatang fan, at sinabi sa mga manonood: “What we all need to remember is that there are some things that are more important than show business.” Pagkatapos ay inutusan niya ang kanyang crew: “Make sure to get that girl a backstage pass too!”

Kamakailan lang naipagpatuloy ng Million Reasons singer ang kanyang world tour. Napilitan siyang itigil ang kanyang show noong Setyembre at ipagpaliban ang European leg ng tour dahil sa “severe physical pain” nang magkaroon ng fibromyalgia.

Sinabi niya sa kanyang nabahalang fans na nagiging hadlang ang kanyang kondisyon sa pagkakaroon ng normal na buhay, ngunit mukha namang ayos na ulit ang lagay niya at nagpost siya sa Twitter kamakailan para ihayag na ipagpapatuloy na niya ang kanyang tour. “We’re Back! #JoanneWorldTour,” aniya. “It feels so good to on stage, I cried w (with) happiness. “I’m back where I belong. My home. With u ( sic).”

Lady Gaga

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.