Balita

Air raids sa palengke, 53 patay

-

BEIRUT (AFP) – Patay ang 53 katao, kabilang ang mga bata, sa air strikes sa palengke, sa isang bayan sa hilaga ng Syria nitong Lunes kahit na ito ay nasa ‘’de-escalation zone’’.

Sinabi ng Britain-based Syrian Observator­y for Human Rights na hindi pa malinaw kung ang strikes sa Atareb na hawak ng mga rebelde ay kagagawan ng Syrian warplanes, o ng Russia na kaalyado ng Damascus.

Ayon sa monitor tatlong bomba ang tumama sa pamilihang bayan. Kabilang sa mga namatay ang limang bata at tatlong pulis.

Ang Atareb ay nasa kanluran ng probinsiya ng Aleppo, sa lugar na bahagi ng ‘’de-escalation zone’’ na napagkasun­duan nitong unang bahagi ng taon ng mga kaalayado ng Syria na Russia at Iran, at ng Turkey na sumusuport­a sa mga rebelde.

Mahigit 330,000 katao na ang namatay sa Syria simula nang sumiklab ang digmaan noong Marso 2011 sa mga protesta laban sa pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines