Pinakamalaking solar park binuksan

Balita - - Balita -

ZAATARI REFUGEE CAMP (AFP) – Binuksan ng Jordan nitong Lunes ang pinakamalaking solar park sa isang refugee facility, upang mapabuti ang kalagayan ng libu-libong Syrian refugees sa Zaatari desert camp.

Ang 4,000 solar panels na may kabuuang kapasidad na 12.9 megawatts ay dinisenyo para magkaloob ng 14 oras na elektrisidad bawat araw sa 80,000 nanunuluyan sa Zaatari, ayon sa United Nations High Commissioner for Refugees.

Ang proyekto ay pinondohan ng Germany sa halagang 15 milyon euros ($17.5M).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.