3 GSIS resolution, ipinawalang-bisa

Balita - - Balita - Beth Camia

Ipinawalang-bisa ng Supreme Court ang tatlong resolusyon ng Government Service Insurance System (GSIS) na nag-aalis ng karapatan ng mga empleyado ng gobyerno na makuha nang buo ang kanilang retirement benefits.

Batay sa desisyon na nilagdaan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, hiniling din ng SC First Division sa Kongreso na humanap ng mga paraan para mapondohan ang P7 bilyon na hindi nabayarang insurance premiums ng mga empleyado ng gobyerno sa GSIS simula Hulyo 1997 hanggang Disyembre 2010.

Hinimok din ng SC ang Office of the Ombudsman na kasuhan ang mga opisyal na dapat managot sa pagkakaantala ng mga remittance ng GSIS premiums ng libu-libong empleyado.

Samantala, “partially granted” na rin ng Korte Suprema ang petition for review on certiorari na inihain ng public school teachers na kumukuwestiyon sa legalidad ng mga GSIS resolutions na nagpapatupad ng premiumbased policy, automatic policy loan at policy lapse, at claims and loans interdependency policy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.