BuCor at PDEA vs droga

Balita - - Balita - Jun Fabon

Muling nagsanib-puwersa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Corrections (BuCor) upang bantayan at masugpo ang operasyon ng ilegal na droga sa mga bilangguan sa buong bansa.

Nilagdaan nina PDEA Director General Aaron N. Aquino at BuCor Officer-In-Charge Valfrie G. Tabian sa New Bilibid Prison (NBP) Reservation, Muntinlupa Cit, kahapon ang kasunduan at kooperasyon para ipagpatuloy ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga at implementasyon ng Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa correctional institutions.

Nakasaad sa kasunduan ang pagkakaroon ng tanggapan ang PDEA sa loob ng BuCoR at maglalagay ng 12 enforcer at 2K9 para sa regular na greyhound at inspection operation para bantayan at epektibong masugpo ang trafficking at ibang ilegal na aktibidad hinggil sa mapanganib na mga droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.