Hindi nagsauli ng charger tinarakan

Balita - - Balita - Orly L. Barcala

Nasa kritikal na kondisyon ang isang binata nang saksakin sa hindi pagsasauli ng cell phone charger sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang ginagamot sa Valenzuela City Medical Center si Delima Cerbo, 29, ng No. 15 Constantino Drive, Dona Ata Subdivision, Barangay Marulas ng nasabing lungsod. Siya ay nagtamo ng saksak sa tiyan.

Naaresto naman ang suspek na si Christian Toledo, 29, walang permanenteng tirahan at kinasuhan na ng frustared homicide at Batas Pambansa Blg. 6.

Sa report ni SPO3 Ray Bragado, ng Station Investigation Unit (SIU), naganap ang pananaksak malapit sa basketball court sa Dona Ata, dakong 1:30 ng madaling araw.

Ayon kay Toledo, kinukuha niya ang ipinahiram niyang charger kay Cerbo, ngunit sa halip na isauli ang charger ay sinampal siya ng huli.

“Sinampal n’ya po ako kaya sinaksak ko siya sa tiyan. Siya na nga ang nanghihiram, siya pa ang matapang,” ani Toledo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.