2 pa sa trike vs truck, patay na rin

Balita - - Balita -

TANAUAN CITY, Batangas - Hindi na naisalba sa pagamutan ang buhay ng dalawa pang pasahero ng tricycle, na sumalpok sa isang 10-wheeler truck at kaagad na ikinasawi ng apat na katao sa Tanauan City, Batangas nitong Huwebes.

Ayon kay Supt. Renato Mercado, pumanaw na rin sina Juveline Kaye Castillo, 27; at Lalaine Gabriel, 49, habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Matatandaan na nitong Huwebes ay sinalpok ng tricycle ang kasalubong na truck mula sa kabilang lane sa Barangay Natatas.

Namatay kaagad ang driver ng tricycle na si Raymond Llenado, 27; at mga pasaherong sina SPO3 Marqueses Valentino, nakatalaga sa Police Community Relations (PCR) ng Camp Vicente Lim sa Laguna; Marbel Itoralde, 22; at Nanette Aton, 37 anyos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.