Sa noo binoga ng holdaper

Balita - - Balita - Light A. Nolasco

CABIAO, Nueva Ecija - Patay na nang madala sa pagamutan ang isang 56-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Barangay Maligaya, Cabiao, Nueva Ecija nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Mary Ann Laguardia y Dela Cruz, residente ng nasabing lugar, na nagtamo ng tama ng bala sa noo.

Dakong 7:50 ng gabi at sakay ang biktima sa tricycle na minamaneho ng asawang si Bernardo Laguardia y Orbe nang bigla silang harangin ng mga suspek na lulan sa motorsiklo.

Tinutukan ng baril ng mga suspek ang biktima at pilit na kinukuha ang bag nito hanggang sa paputukan sa ulo at tuluyang tumakas dala ang bag.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.