3 dalagita sa choir sunud- sunod na hinalay

Balita - - Balita - Leandro Alborote

BAMBAN, Tarlac – Nahaharap sa seryosong kaso ang isang namamahala sa choir nang halinhinan niya umanong halayin ang tatlong menor de edad sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Danny Villegas, 43, may asawa, at residente ng Bgy. Virgen Delos Remedios.

Pawang 15-17 anyos ang mga biktima na nagsasanay noon sa bahay ng Jeric Sumaong sa Bgy. Anupul nang isa-isa umanong tinawag ni Villegas sa kuwarto at hinalay.

Sa tulong ng mga barangay official ng Anupul, nadala ang suspek sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Bamban Police para sa kaukulang imbestigasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.