Balita

Baril, alahas ninakaw sa pulis

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY – Natangayan ng pera, alahas at service firearms ang isang pulis makaraang pasukin at pagnakawan ng hindi kilalang mga kawatan ang kanyang bahay sa Capt. Pepe Subdivisio­n sa Barangay Zulueta, Cabanatuan City, Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si SPO3 Dante Alviar y Sabate, na personal na nagpablott­er sa presinto.

Dakong 3:30 ng hapon umano nang matuklasan ng pulis na pinasok ang kanyang bahay, at natangay ang kanyang .45 caliber pistol, dalawang magazine assembly, isang magazine na may 12 bala, at mga alahas na nagkakahal­aga ng P100,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines