Balita

Barangay chairman inutas sa labas ng bahay

- Danny J. Estacio

LUCENA CITY, Quezon – Binaril at napatay ang isang barangay chairman habang papalabas sa gate ng kanyang bahay sa Pleasantvi­lle Subdivisio­n sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, Quezon, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Rhoderick Armamento ang pinaslang na si Eduardo Beriña, 50, kilala bilang “Kapitan Paga”, at chairman ng Bgy. Ibabang Iyam sa Lucena.

Nagtamo si Beriña ng dalawang tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril, at kaagad na binawian ng buhay, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Armamento na bandang 6: 45 ng umaga at papalabas ang biktima sa gate ng bahay nito nang barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek.

Nakatakbo pa ang kapitan papasok sa bahay nito, pero napalupasa­y sa bungad ng sala habang habol pa rin ng suspek.

Nabanggit na matagal nang nakatatang­gap ng banta sa buhay si Beriña.

Napag-alaman na dumalo pa sa flag-raising ceremony nitong Lunes si Beriña at pinuna pa ni Lucena City Mayor Roderick Alcala ang kalungkuta­n sa mukha ng kapitan.

Bandang 11:30 ng gabi nitong Lunes ay nakipagkuw­entuhan pa ang biktima sa ilang kakilala tungkol sa pinaplanon­g selebrasyo­n para sa kaarawan nito sa Nobyembre 23.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines