3 sa pamilya kinatay ng nag-amok

Balita - - Balita - Fer Taboy

Walang awang pinagsasaksak at napatay ang isang mag-ina at isang matandang babae ng isang lalaking nag-amok sa Meycauayan City, Bulacan.

Ayon sa pagsisiyasat ng Bulacan Police Provincial Office ( BPPO), kinilala ang mga biktimang sina Jemalyn Yonson, 34; April Yonson; at Dedina Yonson, 58, pawang nakatira sa Barangay Libtong, Meycauayan.

Kapitbahay ng mga Yonson ang suspek na si Jimmy Dalama, 30 anyos.

Batay sa impormasyon ng pulisya, nakipag-inuman si Jemalyn sa isang alyas “Layan” sa gilid ng barbeque stall ng kanyang ina nang dumating ang suspek para bumili ng barbeque.

Inalok umano ng tagay ni Layan si Dalama subalit tumanggi ito hanggang sa nagtalo ang dalawa na nauwi sa suntukan.

Naawat ang dalawa, at umalis ang suspek subalit sa pagbalik ay hinahanap na nito si Layan, na wala na sa lugar.

Dito na nag-amok si Dalama at pinagsasaksak ang tatlong biktima bago tumakas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.