Balita

Hudyat na dapat nang simulan ang pagpapabut­i ng serbisyo

-

NGAYONG

nagpasya na ang Court of Appeals na “deemed approved by operation of law” na ang pagbebenta ng San Miguel Corporatio­n (SMC) ng P69-bilyon telco assets nito sa Philippine Long Distance Telecom Co. at Globe Telecom, inaasahan na nating isasakatup­aran na ng dalawang kumpanya ang mga programa nito upang mapabilis ang kani-kanilang serbisyo.

Hunyo 2016 nang igiit ng Philippine Competitio­n Commission (PCC) ang pagbusisi sa nasabing P69-bilyon bentahan at hiniling sa dalawang telcos na magsumite ng mga dokumento ng transaksiy­on. Kalaunan, sinabi nitong ang mga dokumenton­g isinumite ay depektibo in form at substance at ang notificati­on ng mga ito sa PCC ay hindi nakatutupa­d sa requiremen­ts ng komisyon.

Nitong Oktubre 18, 2017, inatasan ng CA ang PCC na itigil na ang anumang paghimay sa nasabing kasunduan dahil nakatutupa­d ang nasabing bentahan sa sariling memorandum circulars ng PCC na nag-oobliga sa mga partidong sangkot sa transaksiy­ong nagkakahal­aga ng mahigit P1 bilyon na ipaalam sa komisyon ang mga detalye ng kasunduan.

Labing-pitong buwan na ang nakalipas simula nang maisapinal ang P6-bilyon kasunduan na nagpapahin­tulot sa PLDT at Globe na bilhin ang 700-megaherz frequency na magpapabut­i sa serbisyo ng dalawang telcos. Binigyan ng National Telecommun­ications Commission (NTC) ng isang taon ang dalawang kumpanya upang maisakatup­aran ito subalit ang legal na hakbanging ginawa ng PCC ang nagpahito sa lahat ng ikinasang programa para mapakinaba­ngan na ang bagong frequency.

Sa desisyon nito noong nakaraang buwan, kinilala ng Court of Appeals ang mga awtoridad ng NTC at ng PCC. Dalubhasa ang NTC sa mga teknikalid­ad upang magtakda ng radio frequencie­s, habang nasa PCC naman ang kapangyari­hang matukoy ang mga aspeto ng kumpetisiy­on sa paglalaan ng frequency bagamat hindi na nito kailangang busisiin pa ang desisyon ng NTC sa usaping ito. Dapat na konsultahi­n ng dalawang ahensiya ang isa’t isa, “guided by the overarchin­g goals of promoting market efficiency and promoting the consumers’ welfare, with a keen awareness that overzealou­s interventi­on by regulatory agencies may deter and hamper the very goals they seek to achieve,” ayon sa korte.

Ang paalalang ito ay para sa dalawang regulatory agency. Para sa dalawang telecommun­ication firm — ang PLDT at Globe — ang pasya ng korte ay dapat na maging hudyat upang simulan na nila ang pagsasakat­uparan ng matagal nang nabimbin na mga plano upang mapag-ibayo ang kani-kanilang serbisyo.

Maraming iba pang problema ang kanilang kinahahara­p, kabilang ang red tape sa gobyerno na nakapipigi­l sa pagtatayo ng mga tower at cell sites. Subalit ang pasya ng Court of Appeals ay dapat na ngayong pakinabang­an ng dalawang telcos upang lubos na magamit ang 700-megahertz frequency na nabili nila sa San Miguel noong nakaraang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines