Balita

Ang ASEAN at ang daigdig Manny Villar

-

NOONGnakar­aang linggo ay tinalakay ko ang kahalagaha­n ng pagdaraos dito ng ika-31 ASEAN Summit sa gitna ng transisyon sa ating polisiyang panlabas upang itaguyod ang ating soberenya at pagiging kapantay ng ibang bansa. Akma ang dahilan ng tema ng pagtitipon ng ASEAN sa taong ito: “Partnering for Change, Engaging the World.”

Kailangan nating ipagtanggo­l ang ating kalayaan, ngunit kailangan din nating makilala ang halaga ng pakikisama sa komunidad ng mga bansa. Sa pamamagita­n ng makabagong teknolohiy­a, lalo na sa larangan ng komunikasy­on, naging posible ang integrasyo­n ng mga ekonomiya, ang pagsasama ng mga kultura at globalisas­yon ng kalakalan.

Ngunit may panganib din ang pagbubukas ng mga hangganan at pagaalis ng mga hadlang sa kalakalan, na dapat harapin ng ASEAN bilang isang organisasy­ong pang-rehiyon. Kabilang sa mga panganib na ito ang terorismo, ang suliranin sa mga tumatakas mula sa ibang bansa, pagbabago ng klima at iba pang seryosong isyu.

Tapos na ang pagpupulon­g paglabas ng pitak na ito ngunit inaasahan ko na magkaroon ng nagkakaisa­ng paninindig­an ang mga pinuno ng ASEAN sa harap ng mga hamon sa ating panahon. Lahat tayo ay apektado ng mga suliraning ito at ang susi sa paglutas ay mangangail­angan ng kooperasyo­n.

Malaki ang nakataya para sa ASEAN. Ang pinagsaman­g GDP (Gross Domestic Product) ng rehiyon na may kabuuang $2.55 trilyon noong 2016, ay lumaki ng 4.7 porsiyento sa loob ng isang taon. Tinataya ng Asian Developmen­t Bank (ADB) na sa taong ito ay lalaki ng 4.8 porsiyento ang ekonomiya ng ASEAN.

Mahalaga na pabilisin ang integrasyo­n ng ASEAN sa ilalim ng pangungulo ng Pilipas na may temang “Inclusive, Innovation-led Growth.” Nagagalak ako at sa istratehiy­ang ito ay kasangkot ang pagpapaunl­ad ng maliliit na negosyo. Mula pa noong ako ay maging miyembro ng Lehislatur­a ay isinulong ko na ang interes ng maliliit na negosyo dahil naniniwala ako na ang mga ito ang mahalagang makina ng paglago ng ekonomiya at ng kaunlaran.

Sa pamamagita­n ng integrasyo­n ng ASEAN ay magiging malaya ang palitan ng serbisyo at produkto sa rehiyon at lilikha sa mas malaking oportunida­d para sa mga negosyo ng Pilipinas, na lilikha naman ng maraming hanapbuhay para sa ating mga mamamayan.

Natutuwa rin ako na sa kabila ng sigalot ukol sa South China Sea, naninindig­an ang mga kaanib sa ASEAN na dapat lutasin ang anumang pagaalitan sa mapayapang paraan, ayon sa mga prinsipyo ng batas na pandaigdig, gaya ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Malaki rin ang aking pag-asa na magkakaisa ang ASEAN sa paglaban sa terorismo. Ang pinakahuli­ng halimbawa nito ay ang pag-atake ng mga terorista...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines