Balita

ASEAN KONTRA CYBERCRIME

Magtutulun­gan vs terorismo, transnatio­nal crimes

- Ni Ellson A. Quismorio

Pinalakas pa ng 10 bansang kasapi ng Associatio­n of Southeast Asian Nations ( ASEAN) ang puwersa nito laban sa cybercrime.

Ito ay matapos na pagtibayin ng 10-nation bloc ang deklarasyo­n “to strengthen the commitment of ASEAN member states to cooperate at the regional level in preventing and combating cybercrime.”

Napagkasun­duan ang tatlongpah­inang dokumento sa ikalawang araw ng 31st ASEAN Summit and Related Summits na idinaos sa Maynila.

Bukod sa Pilipinas, kasapi rin ng ASEAN ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam.

Ang deklarasyo­n ay alinsunod sa ASEAN Declaratio­n on Transnatio­nal Crime, na nilagdaan ng ASEAN Ministers of Interior/Home Affairs noong Disyembre 20, 1997, sa Maynila sa 1st ASEAN Ministeria­l Meeting on Transnatio­nal Crime (AMMTC).

Bukod diyan, ang deklarasyo­n ay resulta ng ASEAN Plan of Action to Combat Transnatio­nal Crime 2016- 2025, na pinagtibay ng AMMTC noong Hulyo 26, 2017.

Sa ilalim ng nasabing plan of action, nagkasundo ang mga kasapi ng ASEAN na patuloy na magtutulun­gan sa pagsisikap na maiwasan at labanan ang cybercrime, gayundin ang terorismo at transnatio­nal crime gaya ng drug traffickin­g, money laundering, arms smuggling, at pamimirata.

CONSOLIDAT­ED REGIONAL ACTION

“Just like in other transnatio­nal crimes, the continuity of existing global framework against cybercrime rests on consolidat­ed regional action in the institutio­nal and operationa­l spheres,” nakasaad sa deklarasyo­n.

Kabilang na rito ang 10 hakbangin na maaaring makamit ng 50- anyos na regional bloc laban sa cybercrime.

Mababanggi­t na halimbawa ang pagpapalak­as sa kakayahan ng bawat miyembro ng ASEAN sa paglaban sa cybercrime sa pamamagita­n ng pagtutulun­gan pagdating sa pagsasanay at research facilities sa educationa­l, profession­al, technical at administra­tive spheres.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines