James mes Reid, d, wagi sa Europe Music sic Awards

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni LITO T. MAÑAGO

TINUPADng JaDine fans ang pangako nilang power vote para sa iniidolo nilang si James Reid sa 2017 MTV EMA (Europe Music Awards) sa London. Naiuwi ng boyfriend ni Nadine Lustre ang karangalan bilang Best Southeast Asia Act. Pinataob ng Viva at Kapamilya star ang anim na iba pang Asian acts na nakatunggali niya sa naturang kategorya kabilang dito sina Faizal Tahir ( Malaysia), Dam Vinh Hung (Vietnam), Isyana Sarasvat (Indonesia), Slot Machine( Thailand), The Sam Willows ( Singapore) at ang social wildcard winner na si Palitchoke Ayanaputra (Thailand). Ginanap kahapon, November 12 ang awarding ng winners sa 2017 MTV EMA sa The SSE Arena, Webley, London, UK and obviously, hindi nakarating si James sa awards show kaya nagpadala na lang ang aktor ng isang VTR message na ipinost naman sa site ng MTV EMA.

“Thank you MTV for awarding me Best Southeast Act,” simula niya sa kanyang VTR message. “It’s such an honor to be representing the Philippines and with this recognition, I will keep on making music and bring the Philippines to the world stage. At siyempre, maraming-maraming salamat sa lahat ng bumoto sa akin. JaDines fans, mahal ko kayo.”

Ito ang pangalawang nominasyon ni James sa taunang MTV EMA. Taong 2015, nominado rin siya bilang Best Southeast Asia Act pero hindi siya pinalad na mauwi ang karangalan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.