Caloocan Police station natupok

Balita - - Pangunahing Pahina - Orly L. Barcala JUN RYAN ARAÑAS

Apektado sa ngayon ang serbisyo ng Caloocan Police Station sa publiko, matapos masunog ang nasabing himpilan ng pulisya na ikinasugat ng isang fire volunteer, kahapon ng madaling araw.

Base sa report, dakong 4: 30 ng madaling araw nagsimula ang sunog sa Caloocan Police Station na matatagpuan sa kahabaan ng Samson Road, Caloocan City.

Kabilang sa mga nasunog ay ang Operation Department, Office Supply, Personnel Department at Investigation.

Nasunog din ang opisina ng Northern Media Group, CAMANAVA Press Corps at SOCO Satellite Office na magkakatabi.

Nasugatan sa kaliwang kamay ang fire volunteer na si Rodievier Ignacio ng Caloocan East Fire Station.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at ideneklarang fire out bandang 6:00 ng umaga.

Inaalam na ang sanhi ng sunog na lumamon sa P2 milyon halaga ng ari-arian.

NAABONG POLICE STATION Hindi tinigilan ng mga bumbero ang pagbuga ng tubig sa apoy na lumamon sa Caloocan police station sa Samson Road, Caloocan City kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.