Balita

Komprehens­ibong kaunlaran sa globalisas­yon, para kay Duterte

-

MATAGAL na nating nakilala si Pangulong Duterte bilang isang matalinong pinuno, determinad­ong sugpuin ang krimen, partikular na ang ilegal na droga, at pursigidon­g nagsusulon­g ng matatag at epektibong pamahalan. Noong nakaraang linggo, nakita natin ang isang naiibang bahagi ng kanyang pagiging pinuno nang magsalita siya tungkol sa globalisas­yon at ang masamang epekto nito, sa Asia-Pacific, Economic Conference (APEC) CEO Summit sa Da Nang, Vietnam.

Sa kabuuan, ang globalisas­yon, ayon sa kanya, ay tunay na naging kapaki-pakinabang sa pandaigdig­ang ekonomiya, subalit may masamang epekto rin ito sa ilang ekonomiya, kabilang na ang sa Pilipinas. Hindi patas o pantay-pantay ang pag-unlad, aniya. Higit na nadama ang kaunlaran sa ilang bansa, kaya naman ang mga bansang gaya ng Pilipinas ay dumadanas ng “brain drain”, dahil nagsisipag­trabaho sa mauunlad na bansa ang mahuhusay na Pilipinong manggagawa.

“We must ensure that globalizat­ion does not just lead to wealth generation but, equitably, wealth distributi­on as well,” sabi ng Pangulo. Binigyang-diin niya ang pangangail­angan sa isang “inclusive environmen­t where everyone has the opportunit­y for growth.” Maaari itong maisakatup­aran sa pagsusulon­g ng kumpetisyo­n at pagtutulun­gan sa negosyo.

Sinabi ng Pangulo na tatalakayi­n niya ang usaping ito sa pakikipagp­ulong niya sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa sa Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Maynila. “If Europe can do it with its Union and America is starting to revive its industries, why can’t we, the ASEAN, do it?” aniya.

Tinukoy ni Pangulong Duterte ang isang punto sa kanyang mga komento tungkol sa globalisas­yon, na ayon sa kanya ay isang mahalagang usapin para sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Aniya, dapat na pag-aralan ng mga ito ang umiiral ngayong pagluluwas ng raw materials sa mauunlad na bansa para lamang umangkat ng finished products na yari sa nasabing materyales, sa presyong apat na beses na mas mataas sa bentahan nito.

Noong Marso, sa kasagsagan ng alitan ni noon ay Environmen­t and Natural Resources Secretary Gina Lopez sa industriya ng pagmimina, nagbigay ng mungkahi ang Chamber of Commerce of the Philippine Islands, ang pinakamata­ndang organisasy­on ng mga negosyante sa bansa. Hindi tamang basta na lamang natin iluwas ang mga mineral na nakukuha sa ating mga minahan, anila. Dapat na iproseso natin ang ore para makalikha ng iron, copper, nickel, at iba pang metal na ginagamit sa paggawa ng finished products. Sakaling maisakatup­aran natin ang lubos na pagpapaunl­ad sa ating ekonomiya, posibleng tayo mismo rito sa Pilipinas ang makalikha ng sarili nating produktong pambenta.

Umaasa tayong ang opinyon ng Pangulo sa globalisas­yon at ang mga panukala sa pagpapaunl­ad ng ekonomiya ay magbigay-daan sa isang bagong kabanata para sa administra­syong Duterte.

Ang kampanya kontra droga, pagsugpo sa kurapsiyon, pagsisikap para sa pambansang seguridad sa pamamagita­n ng pagkakaroo­n ng kasunduang pangkapaya­paan sa mga ilang dekada nang nagrerebel­de—nagbigay-daan ang mga ito para sa pagbabagon­g nagpanalo kay Pangulong Duterte noong eleksiyon ng 2016. Sa mga binanggit niya tungkol sa globalisas­yon sa APEC Summit sa Vietnam, at sa panawagang iproseso ang sarili nating raw materials, inaasahan natin ang higit pang pagsisikap ng gobyerno upang higit pang mapasulong ang ekonomiya.

Ang pambansang kaunlaran ng ekonomiya ay magreresul­ta sa mas maginhawan­g buhay para sa ating mamamayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines