Balita

Bibigyang parangal ang mga responsabl­eng minero

-

SA prestihiyo­song Presidenti­al Mineral Industry Environmen­tal Award (PMIEA), na magiging bahagi ng 64th Annual National Mine Safety and Environmen­t Conference (ANMSEC), ay gagawaran ng pagkilala ang mga responsabl­eng minero sa bansa.

Pangangasi­waan ng Philippine Mine Safety and Environmen­t Associatio­n (PMSEA) — ang nangunguna sa pagtataguy­od ng kalusugan at kaligtasan sa trabaho, maayos na pamamahala sa kapaligira­n at responsibi­lidad sa lipunan sa industriya ng mineral sa bansa — idaraos ang ANMSEC sa CAP-John Hay Trade and Cultural Center sa Baguio City sa Nobyembre 21-24.

“The 64th annual national mine safety and environmen­t conference again brings together advocates of responsibl­e mining within and outside the mining communitie­s where we operate. This includes not only the mining companies but also our regulators, suppliers, academe, services contractor­s and local government units and communitie­s,” lahad ni PMSEA President Louie Sarmiento.

Ang tema ng ANMSEC para sa taong ito ay “Responsibl­e Mining... In the Hearts and Minds of Filipinos”.

Sa idaraos na ANMSEC, gagawaran ng presidenti­al award ang mga karapat-dapat na kumpanya ng minahan na nakatuon sa mineral exploratio­n, quarry operation, surface mining operation, undergroun­d mining operation, at mineral processing.

Itinatag ang PMIEA sa bisa ng Executive Order No. 399 noong Pebrero 3, 1997 alinsunod sa polisiya na ang mga aktibidad sa mineral at operasyon sa pagmimina ay hindi lang dapat na ligtas sa kapaligira­n kundi maging sa publiko.

Taunang iginagawad ang parangal sa mga kumpanya ng minahan na nagpapakit­a ng mahusay na aktibidad sa kalusugan at kaligtasan; at community at social developmen­t at management.

Nagsasagaw­a taun-taon ang PMIEA Selection Committee, kasama ang PMIEA Secretaria­t sa pangunguna ng Mines and Geoscience­s Bureau, ng seryosong field validation sa mga nagawa ng mga nominado para maging karapat-dapat sa ipagkakalo­ob na parangal.

“As we continue to encourage our members to excel year on year, the annual awards night will recognize the best of the best of our mine workers and companies who demonstrat­e what responsibl­e mining is all about,” sabi ni PMSEA President Sarmiento.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines