Balita

MABUTING BALITA

-

Kar 7:22b-8:1 ● Slm 119 ● Lc 17:20-25

Tinanong si Jesus ng mga Pariseo kung kailan darating ang paghahari ng Diyos at sumagot siya: “Hindi lantaran ang pagdating ng Kaharian ng Diyos; hindi masasabing ‘Narito o naroon,’ nasa inyo na nga ang Kaharian ng Diyos.”

Sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Darating ang panahon na pananabika­n n’yong makita ang isa sa mga pagpapakit­a ng Anak ng Tao at hindi n’yo naman makikita. At may magsasabi sa inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong pupunta, huwag maghahanap. Sumisiklab nga ang kidlat at nagniningn­ing mula sa isang dako ng Langit hanggang sa kabila, gayundin naman ang Anak ng Tao sa araw ng kanyang pagdating. Ngunit kailangan muna niyang magtiis nang marami at itakwil ng mga tao sa kasalukuya­n.”

PAGSASADIW­A:

Kailan darating ang paghahari ng Diyos.— Ang salitang “kaharian” ay mula sa salitang Griyego na basileia na ang ibig sabihin ay paghahari (Kingship or reign). Hindi ito tumutukoy sa katotohana­ng saklaw ng lugar at panahon.

Sa ebanghelyo ay tinutukoy ni Jesus ang Kaharian na natutupad sa kanyang mga salita, gawa, at mismong pagkatao. Ito ay ang paghahari ng pag-ibig kung saan lahat tayo ay inaanyayah­an. Kapag handa tayong dumamay sa kapwang nangangail­angan, kapag laan tayong magpatawad sa mga nagkakamal­i, at ginagawa natin ang lahat ng bagay sa ngalan ng pag- ibig, laganap na ang Kaharian ng Diyos at kabilang na tayo rito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines