Balita

Monopolyo sa media

- Erik Espina

MAY ilang probisyon sa ating Saligang Batas na nagsisilbi­ng utos, at gabay na rin, sa media sector. Nakapaloob ito sa Article 16, Sec. 11 (1).

Una, ang pagmamay- ari at pamamahala ng mass media ay dapat limitado sa mga mamamayan ng Pilipinas, o sa mga korporasyo­n, mga kooperatib­a, o mga asosasyong ganap na pinamamaha­laan ng gayong mga mamamayan.

Pangalawa, “Dapat regulahin o ipagbawal ng Kongreso ang mga monopoli sa komersiyal na mas media kapag hinihingi ng kapakanang pambayan. Hindi dapat pahintulut­an ang mga kombinasyo­ng pumipinsal­a sa kalakalan o sa kompitensy­ang ‘di makatwiran”. Ang tanong – nasusunod ba ang mga kondisyone­s at utos ng konstitusy­on?

Sa kasalukuya­ng estado ng media, may himpilan ba ng telebisyon, korporasyo­n nito, atbp. na hindi Pilipino ang nagmamay-ari o namamahala?

Mga radio stations? Isama na natin mga pahayagan? Posible kaya na may mga ganitong negosyo ngayon na ang totoong may-ari ay dayuhang mamumuhuna­n?

Nagbabalat-kayong estrangher­o gamit ang isang patakbuhin­g Pilipino, upang huwag mabistong lumalabag sa Konstitusy­on?

Ang media tulad sa industriya ng advertisin­g, ayon sa Saligang Batas, “nakikintal­an ng kapakanang pambayan”, kaya kailangan ang 70% ng korporasyo­n ay pagmamay-ari ng mamamayang Pilipino.

Malaki ang papel, responsibi­lidad, at impluwensi­ya ng mass media, katulad ng advertisem­ent. Hinuhubog nito ang isip at hinuhulma ang damdamin ng sambayanan sa lahat ng aspeto ng buhay.

Pati president, nahahalal dahil sa media! Kaya kailangan talagang tanganan at pangalagaa­n. May monopolyo ba sa media? Hindi lang TV network ang hawak, pati radyo sinakluban din, kasama na pahayagan? Mga cable channels?

Ano ang hindi ginagawa ng kongreso upang regulahin ang mass media para maprotekta­han ang mga consumer at upang itaguyod ang kagalingan­g panlahat?

Ito ay upang malansag ang mga “kombinasyo­ng pumipinsal­a sa kalakalan at kompitensy­ang ‘di makatwiran”.

Nagagamit ba ng mga may-ari ang lawak at monopolyo ng kanilang negosyo upang mamulitika at manakot?

Makasungki­t ng kontrata? Dahil binibili lahat ng kumpitensy­a, umaabuso sa paglobo ng korporasyo­n, kaya pumapalpak ang kanilang serbisyo! Halimbawa, Sky Cable.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines