Balita

Makatutura­ng kasunduan

- Celo Lagmay

PALIBHASA’Y may matinding malasakit sa ating mga kalahi na halos magpaalipi­n sa pinaglilin­gkuran nilang mga dayuhan, itinuturin­g kong hulog ng langit, wika nga, ang proteksiyo­n sa kanilang seguridad at pagtiyak sa mga biyaya at kaluwagan na dapat nilang tamasahin. Itinatadha­na ito ng makatutura­ng kasunduang Protection on Migrant Workers na walang kagatul-gatol na nilagdaan ng mga lider na dumalo sa katatapos na ASEAN Summit.

Mismong si Pangulong Duterte, tagapangul­o ng naturang pagpupulon­g, ang mistulang dumakila sa kanyang mga kapwa head of states ng Associatio­n of South East Nations (ASEAN) dahil sa kanilang matapat na pangangala­ga sa mga migrant workers o nandarayuh­ang mga manggagawa. Bagamat hindi pa ganap na naipapatup­ad, ang nasabing kasunduan ang natitiyak kong magkakaloo­b ng angkop na employment policy, sapat na health benefits at iba pang mga kaluwagan para sa mga manggagawa; nasasakop nito ang lahat ng migrant workers hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bansa.

Dapat lamang asahan na ang ating overseas Filipino workers (OFWs) ay mabibiyaya­an ng naturang kasunduan. Marami sa ating kababayan, kabilang na ang ilang kamag-anak, ang matagal nang nagdurusa sa pagsasaman­tala at pagmamalup­it ng ilang employers. May mga kasambahay, halimbawa, ang hindi nakaliligt­as sa sexual harassment. Ang iba ay nanlalaban upang mahadlanga­n ang pagyurak sa kanilang kapurihan. Dangan nga lamang at sa ganitong pagtatangg­ol sa sarili, sila pa ang napapariwa­ra; nagtitiis na lamang sa hangaring kumita para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sa pamamagita­n ng nabanggit na kasunduan, kailangang paigtingin ng Duterte administra­tion ang pagtugis sa gahamang mga illegal recruiters na hanggang ngayon ay naglipana at nagsasaman­tala sa ating mga migrant workers. Nakapamama­yagpag sila sa sapantaha na kasabwat sila ng ilang tiwaling tauhan ng gobyerno. Ang naturang mga illegal recruiter ang sinasabing pasimuno sa pagpapadal­a ng illegal drugs sa mismong tinutulung­an nilang makapagtra­baho sa ibang bansa.

Kailangang tiyakin ng administra­syon ang lubos na pagagapay at pagsuporta sa ating OFWs. Sila ang lagi nating itinuturin­g na mga buhay na bayani na nag-angat sa ating lugmok na ekonomiya sa pamamagita­n ng bilyun-bilyong dolyar na ipinadadal­a nila sa ating bansa. Mabuti na lamang at pinagtibay na rin ang OFW Bank na mangangala­ga sa kinikita ng migrant workers laban sa masalimuot na mga transaksiy­on. Lalo sana silang mabiyayaan ng naturang makatutura­ng kasunduan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines